Tatlong araw na ang lumipas. Hindi pa rin kita kilala. Sino ka ba talaga? Bakit hindi ka nagpakilala?
Magbibigay-bigay ka, hindi mo naman lalagyan ng pangalan. Nahihiya ka ba? O baka naman pinagti-tripan mo lang ako.
Alam mo bang ngayon lang ako nakatanggap ng ganun mula sa isang tao sa tanang-buhay ko? Tapos nagmula pa sa isang nilalang na walang pangalan na gaya mo.
Kung sino ka man, salamat sa regalo mo... Salamat at naalala mo ako...
Salamat sa isang pulang rosas na bigay mo...
Lanta na ang rosas pero nananatili ka pa ring isang palaisipan.
Parang imposible nang malaman ko kung sino ka. Pero sana... isang araw... subukan mong magpakilala...

Comments
Post a Comment